jongsky

etc

Saturday, July 10, 2004

pagod na sa kakainternet!!!!

puyat na ako gabigabi dahil sa internet. kaya naman ayaw ko ng mag-internet. istorbo kasi sa pag-rereview ko sa palapit ng board exam. diko maiwasan mag-internet kaya ngayong linggo ay ipapadiskonek ko na sa pldt ang dsl ko. mag dial-up na lang ako para tipid at tatamarin akong mag-internet.
Sa mga tinutulungan ko na maayos ang kanilang computer sa pamamagitan ng yahoo, chikka at msn, Pasensiya po muna at kailangan kong mag-aral. makakaasa kayong matutulungan ko kayo pagkatapos ng board exam. Sana ay nauunawaan ninyo.
Sa mga tumatawag sa akin para maayos ang kanilang computer, simula po ngayon ay sa pamamagitan na lamang po ng text. Kung lubhang sira ang inyong computer ay itapon na lamang yan at bumili ng bago. Kung virus lang naman ang problema niyan ay kailangan po kayong magpunta ng ospital at ipa x-ray niyo yan at baka kumakalat na yan at inuubus na ng virus. (hehe)
Tuloy parin ang saya at ligaya pag natapos na ang exam, at maririnig niyo na rin pagkatapos ng exam ko ang mga ginagawa ko palang na tugtog.
Sa mga gumagamit ng server:4662, papatayin ko muna at magpapahinga naman ang PC ko.
Sa susunod pagagandahin ko itong server at magbubukas ako ng dalawa pang port para sa inyo. Down din po ngayon ang webServer kaya hindi niyo muna mabubuksan ang website.

Para sa mga naaawa sa akin ay pwede kayong bumisita di2 sa bahay at magbigay ng tulong pinansiyal para sa pagpapalaki at pagpapalupit ng ating network. Sa ngayon ay 3 pa lamang ang kusang loob na tumutulong at nakikipagpuyatan mamentain lamang itong server.

Kung gus2 mo namang makipag-inuman, manlibre ka at dalhin mo ang buong barkada sa labas.

Tsktsk, sige, hanggang di2 na lang. ito blogpost na lang ang gagamitin ko para makipag-ugnayan sa inyong lahat.